Saturday, August 10, 2013

NAPATINGIN ako sa iyong mga mata
At sa isang iglap, ako ay natulala
Puso ko ay muling tumibok
Ngunit, di kaya ako lamang ay mapusok?

NAGUSTUHAN ko ang iyong mga ngiti
Wala akong pinalalampas na sandali
Nais ko'y araw-araw kang masilayan
Sa bawat sandali, ika'y mahawakan

MINAHAL ko ang lahat sa iyo
Sa piling mo, kuntento na ako
Salamat sa pagdating sa aking buhay
Dahil pinintahan mo ito ng kaygagandang mga kulay

No comments:

Post a Comment