Tuesday, August 13, 2013

Unan

Nakakalungkot, gabi nanaman
Nasaan na kaya ang aking malambot na unan?
Isang araw nanaman ang nakalipas
Ngunit sa lungkot ng kahapon, ay di makaiwas

Nangungulila parin sa'yo aking sinta

Gabi gabi'y nakadungaw ako sa bintana
Hanggang kailan nga ba maghihintay
Sa araw na tanging ikaw ang taglay?

Tuwing gabi'y nais kang mahagkan

Ang iyong mga labi, nais kong mahalikan
Sa halip, pangungulila'y sa aking unan naibabaling
Upang makatulog lamang ng mahimbing

No comments:

Post a Comment